First love? Para sa akin, yan yong taong nung una mo palang nakita. Masasabi mo nalang na *he's the one* yung tipong siya yung kumu-kumpleto ng araw mo. Yang yong tipong makakaramdam ka ng kaba, kilig, saya at fulfilment sa buhay mo. Yung tipong kahit nagsanib na ang langit at lupa sayo (madaming problema) e nakakaya mo dahil sa kanya. Yung tipong nasa isip mo na agad paggising mo sa umaga at siya agad ang hinahanap ng mga mata mo. Para sakin ang love ay hindi crush kasi ang crush ay paghanga lang naman E. Pero kapag ang love yan yung bigla nalang nag magsstop ang mundo mo kapag nawala siya. It's like makikita mo na ang magiging future niyong dalawa. At ang first love siya yung "hindi mo naman gf/bf pero sa kanya mo lang nararamdaman ang di mo maramdaman sa iba." kasi yan ang love. Walang kapantay. At masasabi mo nalang na mahal ko na siya. Kaya wag niyong sabihin na mahal niyo na agad ang isang tao kahit unang beses niyo palang siya nakita. Dahil ay first love is a magical feelings na hindi mo mararamdaman sa lahat ng tao. Laging sa isang tao lang.