Dati, pinadala ko rin sa yo tong lyrics na to kasi para sa atin talaga. Nakakainis kasi tamang-tama para sa atin as in sapul di ba? Pero alam mo kung bakit ako naiinis sa lyrics? Kasi totoong-totoo. Masakit kayang tanggapin ang totoo, na kahit anong gawin natin, para sa kanya ka at ako ay para sa kanya rin. My heart is broken; parang gusto ng gumuho ng mundo ko. Gusto kong ipagsigawan na mahal kita; noon at ngayon walang nagbago. Mas mahal nga lang kita ngayon. Pero paano natin ito ipaglalaban kung sa simula pa lang alam na nating mali.?
I will miss you. Alam kong nandyan ka lang pero masakit pa rin.