Ang buhay ay parang musika, mga taong parang nota. Sumasabay sa kanta, na parang napakasaya nila. Parang isang libro, merong mga liriko. Masaya isipin man din, mga panahong mamahalin. Sa mga pag kakataong nalilito, tanging pakinggan ang puso. Pusong kailanman, hidi naging gahaman. Matututo't matututo tayong tumayo, na parang liriko sa libro. Sa pagsulat ng damdamin, bawat minuto'y minahal mo rin. Mga pagkakataong malungkot, puso't isip nababalot ng puot. Darating rin and oras na ang agos ay matatapos. Ang mundo'y guguho, nguni't ito'y muling mabubuo. Nariyan ang Diyos, handang ayusin ang agos. At nariyan muli ang mundong kumakaway, sa bagong agos ng buhay. Sana hindi matapos ang kantang ito, katulad ng buhay natin sa mundo.