Ang ating sinumpaang pag-ibig
Na tayo'y mag-iisang dibdib
Ipikit mo, iyong mga mata
Panalangin ang mapayapang paglalakbay
Tagumpay na uuwi sa iyong kamay
Sa digmaan, ako'y walang tangan
Kundi ang pinangakong pagmamahalan
Na nagtatakip sa akin sa kamatayan
Sa aking harap, ang panganib
Handang makipaglaban sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang matikman ang kanilang dugo
Sa aking bibig
Sumikat at lumubog ang araw ng hari
Daan libong buhay ang aking binawi
Pitong buwan tumigil ang pakikipaglaban
Dumating na ang (araw / oras) na aking hinihintay
Sa aking pagbalik, tila lahat matamlay
Sa aking pagkagulat
Ang aking sinta'y nabubulok sa hukay
Ipinikit ko, ang aking mga mata
Dinadalangin na ito'y panaginip na nagbibiro
Sa aking pagdurusa.
Ako ay nagbalik, upang tuparin Ang ating sinumpaang pag-ibig Na tayo'y mag-iisang dibdib Ipikit mo, iyong mga mata Panalangin ang mapayapang paglalakbay Tagumpay na uuwi sa iyong kamay Sa digmaan, ako'y walang tangan Kundi ang pinangakong pagmamahalan Na nagtatakip sa akin sa kamatayan Sa aking harap, ang panganib Handang makipaglaban sa ngalan ng pag-ibig Hanggang matikman ang kanilang dugo Sa aking bibig Sumikat at lumubog ang araw ng hari Daan libong buhay ang aking binawi Pitong buwan tumigil ang pakikipaglaban Dumating na ang (araw / oras) na aking hinihintay Sa aking pagbalik, tila lahat matamlay Sa aking pagkagulat Ang aking sinta'y nabubulok sa hukay Ipinikit ko, ang aking mga mata Dinadalangin na ito'y panaginip na nagbibiro Sa aking pagdurusa. Explain Request ×
Lyrics taken from
/lyrics/d/dahong_palay/imortal.html