Masigla ang kanyang pagbati
Mahigpit ang hawak ng mga daliri
At ang lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati
Makisig kung siya ay magdamit
Malalim ang kanyang pag-iisip
At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya'y pagod na
Mahina na rin ang katawan
Pinagmamasdan na lamang sa bintana
Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga
Kung ano ang kanyang nagawa
Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya'y malakas at bata pa
Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga alaala
Lagi na lamang nag-iisa
Kahit sulyap, walang maaasahan
Sa anak na 'di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga
Kung mayro'n pa siyang magigisnan
Na liwanag sa nalalabing buhay
Ngayon siya'y matanda at laos na
Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Sa dilim ng kanyang pag-aasam
Maghapon na lang nakabantay
Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
Nang hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon
'Di na matagpuan
At ang sinag ng umaga
Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso
'Di na mapapantayan
Kung maari lang, maari lang
Pawiin ang dusa
Chorus:
Si Lolo Jose, si Lolo Jose
Si Lolo Jose ay matanda na
Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
Kahit siya ngayon ay laos na
Noong panahong siya ay hari Masigla ang kanyang pagbati Mahigpit ang hawak ng mga daliri At ang lakad nama'y matuwid Mahusay ang kanyang talumpati Makisig kung siya ay magdamit Malalim ang kanyang pag-iisip At lahat ay sa kanya nakatitig Ngunit ngayong siya'y pagod na Mahina na rin ang katawan Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan At ang unang tanong sa umaga Kung ano ang kanyang nagawa Sa paglipas ng siyamnapung taon Nang siya'y malakas at bata pa Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na Sa piling ng mga alaala Lagi na lamang nag-iisa Kahit sulyap, walang maaasahan Sa anak na 'di man siya mapagbigyan At ang unang tanong sa umaga Kung mayro'n pa siyang magigisnan Na liwanag sa nalalabing buhay Ngayon siya'y matanda at laos na Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na Sa dilim ng kanyang pag-aasam Maghapon na lang nakabantay Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga Nang hindi malimot niyang nakaraan At ang diwa ng kahapon 'Di na matagpuan At ang sinag ng umaga Dinaanan ng ulan At ang hirap ng nasa puso 'Di na mapapantayan Kung maari lang, maari lang Pawiin ang dusa Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na Explain Request ×
Lyrics taken from
/lyrics/c/coritha/lolo_jose.html